Saturday, January 20, 2018

NAGHIHINTAY SAYO

Paano ko nga ba sisimulan
Paano ko nga ba matatanggap

Na hindi na tayo nag-uusap

Gusto pa kitang mayakap
Gusto pa kitang makausap
Gusto pa kitang makasama

Pero ang sakit…

Ang sakit na wala akong magawa
Ang sakit na wala na akong halaga
Ang sakit na naghihintay lang ako

At umaasa …

Umaasa na baka sakaling meron pa
Umaasa na baka sakaling makayap pa
Umaasa na baka sakaling pwede pa

Na maibalik …

Maibalik ang meron tayo noon
Maibalik ang mga kwentuhan
Maibalik ang mga masasayang alaala

Na hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan
Pero andito pa rin ako para sayo 
kahit masakit, andito lang ako


…Naghihintay sayo

3 comments:

  1. so beshie keyks, inaantay ko kwento mo!

    :P

    ReplyDelete
  2. Okay. Now your comment makes more sense.

    Sabi nga ni YJ tuwing kami ay magche-cheers, "para sa mga makabuluhang paghahantay."

    ReplyDelete
  3. Ay ano to wala akong kahit anong background dito

    ReplyDelete

what do you think?