Naglakad sya nang walang patutunguhan sa eskinitang madilim. Ang dingding ng eskinita ay magaspang, ang ibang parte ay may lumot, ang iba nama'y mga bakas ng mga papel na nkadikit dito dati. Hindi nya alam kung saan patungo ang eskinitang ito. Walang liwanag na naaaninag sa dulo nito. Wala ring ingay na naririnig sa paligid, mga yapak lamang ng kanyang paa at ang pagtibok ng puso nyang nag-aalinlangan. Sa kanyang paglingon, wala ring sumalubong sa kanyang paningin kundi kadiliman at kawalang pag-asa.
Habang dahan-dahan nyang tinatahak ang eskinita ay hinahaplos nya paminsan ang dingding. Kumaskas ang kanyang palad sa isang bahagi ng dingding na may mga nakausling bubog. Wala syang naramdamang sakit ngunit nang tingnan nya ang kanyang palad ay nakita nyang dumudugo ito. Napatigil sya sa paglalakad at tinitigan ang nagdudugong kamay. Pinisil nya ang palad at hinayaang tumulo ang dugo sa kanyang paa. Nang wala nang lumalabas ay pinahid nya na lang ang dugo sa kanyang damit.
Patuloy syang naglakad. May nakasalubong syang mga ipis at daga na tila iniiwasan sya. Sinubukan nyang apakan ang isang ipis at naramdaman nya talagang tumigil ito sa paggapang nang nakita ang anino ng paa nya. Parang pinaubaya na lang ng ipis sa paa ang kanyang kapalaran. Nang maapakan na ito nang tuluyan, tumalsik ang lamang-loob nito sa dagang noo'y kumakaripas ng takbo papalayo.
Wala syang naramdaman sa pag-apak nya ng ipis. Pinahid nya ang paa sa dingding para maalis ang mga natirang kalamnan ng ipis. Sa kanyang paglalakad, naramdaman nyang unti-unting umiinit ang sikat ng araw. Pinagpapawisan na sya nang maigi sa likod at mukha. Hinubad nya ang kanyang damit at pantalon at nakaramdam nang ginhawa. Ang pawis nya'y daliang natuyo at sya'y napangiti dahil dito.
Wala syang pakialam sa patutunguhan. Wala syang pakialam sa mga nkakasalubong. Wala syang pakialam kung ang eskinitang ito ay walang katapusan. Dahil sya ay hindi nakakaramdam ng sakit. At ang mga ipis, daga, at malamang kahit ano pang peste ay takot sa kanya. Hindi sya pinupuna nang kahit sino kahit sya'y naglalakad nang nakahubad. Ang panahon lamang ang kanyang kalaban ngunit madali na itong isipan ng solusyon.
Sa eskinitang ito, siya ay siya. Hindi nya alintana ang sinumang pipigil sa kanyang paglalakad. Masaya sana kung may kasabay syang maglakad, ngunit hindi rin sya magpapapigil sa kalungkutan ng pag-iisa. Siya ay patuloy na maglalakad, patuloy na gagawa ng kanyang landas.

There is so much peace in this violence. How curious. They say you are only who you are when you are alone. Is this an offshoot of something bigger?
ReplyDelete